THE SAGADA EXPERIENCE (Part 2) - November 12 - 14, 2011

    FROM PART 1

    Sunod: Underground River. “May Underground River din kami rito pero hindi kasing-ganda nung nasa Palawan. Nilalakad lang din, hindi ginagamitan ng bangka.” ‘Yan ang sabi ni Kuya Philip. Totoo nga ang sinabi niya, hindi kasing ganda ng nasa Palawan ngunit maganda pa rin ito. Maliit lamang ito ngunit nakakatuwa dahil napakalinis pa rin nito.

    Panglima: Small Falls. Kaunting paglalakad pa. Nakakapagod. Pataas, pababa, pataas. Madulas at medyo maputik. Nadaanan rin namin ang bahay ng isang Amerikanong Anthropologist. Nasa taas ito ng bundok. Hindi namin ito napasok ngunit sabi nila’y wala raw siyang ginalaw na kahit anong naroon nang ipinatayo niya ang bahay niya doon kaya naman ang kusina niya’y batuhan pa rin. Pagkatapos nun ay kalsada na ang nilakaran namin. Nagpahinga kami saglit at tsaka muling nagpatuloy. Balik kagubatan kami. Itinuloy ang paglalakbay at matapos ang mahigit kumulang sampung minuto’y isa na namang nakatagong paraiso ang narating namin, ang Small Falls. Kalahating araw kaming nagliwaliw doon. Ang dulo ng falls na ‘yun ay isang sampung talampakang parang swimming pool na ubod ng linis. May lugar rin sa taas ng falls kung saan masarap magmuni-muni’t pakiramdaman ang malalakas na hampas ng tubig ng dumaraan. Saglit kaming umidlip nang kami’y mahapo habang kami’y ipinagluluto nina Kuya Philip at iba pa niyang mga kasamahan ng Pinikpikan. Paggising nami’y kumain kami nito. May kasama pang Itag na napakasarap. Lumangoy kami ulit at nagpababa ng kinain. Nasubukan ko ring tumalon sa falls. Napakasarap sa pakiramdam. Matapos ang lahat ay umuwi na kami kahit ayaw pa namin. Hapon na kasi noon at medyo malayo pa ang lalakarin namin. Pati ang paglalakad namin pauwi’y naging masaya pa rin.

    Sa aming daan pauwi ay badaan kami sa Sagada Weaving. Doon talaga ginagawa ang mga binebenta sa SM na malayong mas mahal. Napakaganda ng mga produkto nila. Kung mayroon lang talaga kaming sapat na perang dala noon ay bumili na kami. Nadaanan din namin ang isang bake shop noong medyo nasa sentro na kami. Nakaka-engganyo lang talaga ang amoy ng kanilang mga niluluto. Matatakam talaga ang mga dumaraan.

    Agad-agad kaming naligo at nagpahinga pagkauwi namin. Nagising kami ng mga alas sais y medya ng gabi para masubukang gumala sa siyudad. Alas syete y medya kasi ang usapan namin nina Kuya Philip noon. Nakabili rin kami ng souvenir shirts. Kapansin-pansing maaga pa lang ay wala na gaanong taong gumagala doon. Alas syete y medya rin nagsasara ang souvenir shops kaya naman madaling-madali kami. 

    Pang-anim: Lemon Pie House. Sobrang natuwa kami sa lugar na ‘yun. Nakakatuwa ang mga upuan. Maganda ang ambiance. Maluwang ang espasyo. Walang-wala sa coffee shops sa Baguio. Isa pa’y makakakain ka na ng napakasarap na Lemon Pie nila sa halagang P25.00 lamang. P15.00 naman ang lemon tea nila na sobrang sarap rin. Nakilala rin namin ang si Ate na gumagawa ng lemon pies. Napakarami niyang alam at napakadaldal niya. Napakarami niyang naikwento sa amin. Pati sa kanya’y natuwa talaga kami. Balak din naming mag-uwi ng lemon pie noon ngunit wala na rin kaming pera.

    Huli: Bonfire sa Kagubatan. Napakadilim na nang kami’y makabalik mula sa Lemon Pie House. Alas otso y medya na yata noon. Hinihintay lang kami ni Kuya Philip sa Alapo’s. Agad kaming nagpunta sa kabundukan para mag-bonfire. Kasama namin ang iba pang mga kaibigan ni Kuya Philip na sa bundok magpapalipas ng gabi. Pati ang huling gabi namin doo’y sobrang saya. Ipinagluto nila kami ulit. Tuwang-tuwa kami sa paraan nila ng pagluluto at sa mga kagamitan nila. Nakapag-usap kami, bonding ulit at kumain ng kung anu-ano. Pagdating ng alas onse’y kinailangan na naming magpaalam sa kanila dahil alas singko y medya ng umaga pa kami uuwi kinabukasan. Inihatid na kami ni Kuya Philip sa aming tinutuluyan, tuluyan na kaming nagpaalam sa kanya at kami’y nagpahinga na.

    Sagada? Ano bang masasabi ko sa lugar na ‘yun? Para sa akin, hindi siya maganda. Ito’y higit pa doon. Ito’y isang paraisong natatago, isang lugar na hindi ko sukat akalaing ganun pala kalayo ang mukha mula sa mundong ginagalawan ko ngayon, sa siyudad na puno ng polusyon, sa siyudad na nakalimutan na kung paano pahalagahan ang biyayang bigay ng Maykapal.

    Ang tatlong araw at dalawang gabing pananatili namin doon ay kulang na kulang para sa amin. Sobrang masama sa loob naming bumalik sa Baguio noon dahil hindi pa namin nalibot lahat ng sulok ng paraisong ‘yun. Hindi pa namin napuntahan lahat ng maaaring puntahan, pati sa sentro.

    Matapos ang lahat ng ito’y isa na lamang ang masasabi ko.. BABALIK AKO SA SAGADA.

       7 notes

    1. blackandwhitestiletto said: me inggit! gusto ko ring magsagada! dito na lang tayo magshoot. haha
    2. sugarcoatednightmares posted this

Basics. Basics. Basics.


..and this is where you'd see everything and anything under my sun.

Micah . 17 . A daughter . Junior . University of the Philippines . Friend . Web Addicto . A Green-Lover's Lover . Trying-hard Web Designer . Enemy . Crammer . Blogger . Musician . Camwhore . Photo Manipulator . Insomniac . Word Lover . Number Hater . Talker . Listener


free hit 

counter
Views since 04/21/10

2011 WISHLIST
A Domain, PLEASE.
Love
Domo Hoodie
Domo Shirt
Domo Stuffed Toy
Anything Domo
Another anything Domo
Pellet Gun
A Chihuahua
New pair of shoes
New Glads/Sandals
Ugly Dolls
More Ugly Dolls
Pink Laptop
Meme Shirt
Coin Bank (Cow)
Braces Off
STALK ME
Facebook
YouTube
Formspring
Multiply
Plurk

CREDITS
Tweaked & Designed By: Micah Quirimit
Converted Codes By: Micah Quirimit
Codes By: Aellyniq

CLICKABLES
Typography
Likes
Photos
THEMES
Facts
Recommend Me
iRecommend
Hear Me Sing :)
HEY! MICAH HERE. THANKS FOR DROPPING BY! :)
HomeArchiveTUMBLR ASK